SIGARILYO

SIGARILYO, ano nga bang napapala dito?


Source

Sa salitang sigarilyo, isa lang laging naiisip ko... magkakasakit ako dito
Sabi nila pampakalma, pampawala raw ng kaba
Isa lang bess, pramis... tapos umisa pa,
Abah! pangatlo na... hanggang nakasanayan na nga!

Ngunit ano nga bang naidudulot lalot amoy palang eh talagang nakakasulasok
Sakit sa baga natalagang maaaring lumala
Hika, ubo hindi lang ng gumagamit
Pati ang nakakalanghap ay dinadalahik

Pano nga ba nag umpisa, bakit kahit bata nagsisimula na
Dahil ba sa barkada o nakikita lang sa matatanda
Simbolo raw ng pagkalalake ngunit kahit babae ay nagsisinde
Dahil ba ika'y magiging "in" kung usok nito'y nanamnamin?

Pampalipas oras, dahilan ng karamihan
Nakakabawas tensyon, pampakalma ng isipan
Maaaring di ko naiintindihan ibinibigay nitong kasiyahan
Ngunit sana'y bigyang pansin, masamang dulot sayong kalusugan, kaibigan.

Thanks for reading and if you liked it...

H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
5 Comments