"Piyesa" : An Original Filipino Poetry

"Piyesa"



Ilang linggo bago ito matapos
Minsan buwan, minsan taon ay patapos
Hinahanap ang tugmang swak sa panlasa
Mabuo lang ang pinapangarap na "Piyesa".

Piyesang magdidikta ng himig ng kanta
Mensaheng tataos sa puso ng madla
Nakakaantig na lambing ng musika
Pinagpagurang orihinal nitong mailathala


Nakailang bura ang kanyang nagawa
At ilan pang mga bura ang kanyang magagawa
Matiyempuhan lang ang nais na tugma
Mga pantig na naghahalo na parang tula


Masusing paghanap sa mga eksaktong kataga
Umabot man ng madaling araw sa kakataka
Mabalot man ang kadiliman ng araw
Hindi balakid makuha lang ang inaasam na "Piyesa".



Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Hanggang sa Muli

Photocredits : 1 2

H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now