Dahil bakasyon si yayabelles ng sabado at linggo, bukas na namang muli ang Kusina ni Nanay Romeskie. At ang ating tanghalian ang Tinola Ooh la la!
Mga kakailanganin
- Kawali
- Kalan
- Kutsaro/sandok
- Tasang panukat
- Kutsilyo at sangkalan
Mga Sangkap
Manok
- Dahil tatlo lang kami, anim na pirasong mga iba't ibang parte ng manok ang iniluto ko ngayon
Sayote
- mas gusto ko sana ang hilaw na papaya para sa tinola dahil sa taglay nitong vitamin C kaya lang wala raw makita si Tatay Ritsard kaya nagtiyaga na lang kami sa sayote. Isang piraso lang na hiniwa hiwa nang may katamtamang laki
- bilin sa akin ng lola ng asawa ko na tanggalan daw ng dagta ang sayote bago ito lutuin. Para gawin ito, hihiwa ka muna ng maliit na piraso sa dulo ng sayote. Ang pirasong ito naman ang ikukuskos mo sa dulong banda ng malaking parte ng sayote. Hindi ako sigurado kung totoo iyon pero ginagawa ko pa rin kasi masaya. Haha
- mas gusto ko sana ang hilaw na papaya para sa tinola dahil sa taglay nitong vitamin C kaya lang wala raw makita si Tatay Ritsard kaya nagtiyaga na lang kami sa sayote. Isang piraso lang na hiniwa hiwa nang may katamtamang laki
Luya
- pwedeng hiwahiwain nang maliliit. Pwede ring pahaba. Pwede ring pitpitin muna saka hiwain. Ako, gusto ko yung halos bilog bilog ang pagkakahiwa
Sibuyas
- hiwain nang pahaba
Bawang
- pitpitin saka tadtarin
- pitpitin saka tadtarin
Malunggay powder
- walang nakitang dahon ng malunggay si Tatay. Wala pa rin masyadong dahon ang puno namin ng malunggay kaya ayoko munang talbusan. Kaya itong natirang malunggay powder ko na lang ang gagamitin ko.
Trivia: Ang malunggay ay tinuturing na wonder gulay dahil sa taglay nitong mga nutrisyon katulad ng vitamin c, protina, calcium, vitamin A, potassium, at kung anu ano pang mahirap baybayin at mahirap bigkasin. Bukod pa dito, ang malunggay ay nakakatulong sa pagpaparami ng gatas ng ina kaya namamapak ako nito noong sanggol pa lamang si Aya.
Paraan ng pagluluto
- Isalang ang kawali at pag -initin nang bahagya
- Kapag mainit na ang kawali, maglagay ng isang kutsarang mantika
- Sangkutsahin ang sibuyas. Isunod ang bawang. Ihuli ang luya
- Isunod ang manok
- lagyan ng isang kutsarong patis saka sangkutsahin hanggang sa maputi na ang bawat ilabas na parte ng manok
- lagyan ng isang kutsarong patis saka sangkutsahin hanggang sa maputi na ang bawat ilabas na parte ng manok
- Lagyan ng anim na tasang tubig
- hinaan ang apoy at hayaang kumulo nang dahan dahan. Mas mainam na marahang maluto ang manok sa mababang apoy para sumuot nang maigi ang lasa sa bawat hibla
- Kapag kulong kulo na ang tubig, ihalo ang sayote
- huwag masyadong patagalin dahil hindi na masaya kainin ang sayote kapag sobrang lambot, malungkot din naman kung matigas pa ito kaya dapat ay sapat na panahon lang
Tip: para malaman ang tamang dami ng tubig para sa iluluto: sabaw: dapat ay lubog na lubog ang lahat ng sangkap sa tubig; sarsa: dapat ay kapantay lamang ng sangkap ang tubig na ihahalo
Paghuhusga ng lasa:
Biyenan: Naparami ng lagok ng sabaw
Tatay Ritsard: Piniling kainin ang tirang ulam kagabi dahil daw baka mapanis
Aya: Hindi nakipaghabulan para pakainin. Nagdagdag pa ng kanin
Konklusyon: 2/3
Dalawa sa tatlo ang nasarapan sa alatsambang luto ni Nanay Romeskie! Lagot talaga to si Tatay sa kin.
Bukas ay wala pa rin si yayabelles dahil pinagbakasyon ko siya kaya bukas pa rin Kusina ni Nanay Romeskie kung saan ang luto ay madalas ala-tsamba pero sigurado namang bawat putahe ay ginawa nang may pagtitiyaga at pagmamahal.
Ang mahiwagang tanong: Ano kaya ang iluluto ko bukas?
