Philippine Poetry and Song Contest #1, "Pinoy Sa Ibang Bansa"

Entry
Pinoy Sa Ibang Bansa


Source


Sa iyong paglisan sa sarling bayan
Dala may lungkot dahil sa pamilyang naiwan
Baon ay pag-asang sana'y magtagumpay
At mabigyan ang pamilya ng magandang buhay

Unang yapak sa lugar na banyaga
Nagdulot ng saya namay halong pangungulila
Magagandang tanawing kay sarap sa mata
Malinis ang paligid lahat ay ayon sa sistema

Ika'y pinagpala kung may susundong kakilala
Ngunit may sadyang matapang, sumusulong kahit mag-isa
Kapalaran may di sigurado, hindi umuurong mga Pilipino
Gagawin kahit ano, para sa pamilyang umaasa sayo

Mapalad ang iba nakakahanap agad ng trabaho
Karamihay tinatanggap kahit ano, makapagpadala lang sa inyo
May sadyang sineswerteng mabait ang amo
Ngunit meron ding huwad, yun pala'y mapang abuso

Sa bansang ika'y baguhan mahirap makahanap ng totoong kaibigan
Nakakalungkot mang isipin, minsay kahit kapwa Pinoy, nagagawan ka ng kalokohan
Ngunit sadyang hindi nawawala, pagiging matulungin sa kapwa
Kahit saang bansa, Pinoy ay di nagpapabaya

Masiyahin at mapag aruga kahit nahihirapan na
Sakit ay tinitiis, paghihirap toong iniinda
Minsa'y nakakahanap ng katuwang, ngunit ika'y dapat rin maging pihikan
Dahil ang ilan, walang asawa lang sayong harapan

Ngunit kahit anong pait ng araw na sumapit
Marinig lang ang tinig ng mga anak, ngiti ay gumuguhit
Mata ay ipipikit ng may payapang damdamin
Sapat ng panlaban sa lungkot na di maamin


Mabuhay ang mga OFWs, Mga Bagong Bayani!!

Thanks for reading and if you liked it...


H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
17 Comments